ABS-CBN News

Wife's relative says only CJ can reveal the truth

Posted at | Updated as of 05/15/12 7:42 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Hinamon naman ng pinsan ni Cristina Corona ang punong mahistrado na tumestigo sa kanyang impeachment trial. Ayon kay Ana Basa, tanging si Chief Justice Renato Corona lang ang makakapagsabi ng katotohanan.

Isa ang pamilya ni Ana sa mga umaangkin sa Basa Guidote Enterprises Inc. (BGEI) na sinasabing kontrolado na ni Cristina Corona.

Mahalaga ang BGEI sa paglilitis dahil depensa ni Chief Justice Corona, ito ang pinagkunan ng kanyang pamilya ng pera na ipinambili ng lote sa La Vista. Ito rin umano ang paliwanag sa malalaking halaga ng bank deposits ni Corona.