Nat'l Press Club condemns Tulfo mauling

Posted at May 07 2012 11:51 PM | Updated as of May 08 2012 07:51 AM

Naglabas na ng pahayag ang National Press Club (NPC) na kumukundena sa pambubugbog ng grupo ng aktor na si Raymart Santiago sa kolumnistang si Ramon Tulfo.

Naniniwala ang NPC na tumupad lamang sa tungkulin si Tulfo nang kumuha ng larawan habang kinagagalitan ni Claudine Barretto ang ground staff ng Cebu Pacific na humantong sa kaguluhan sa Ninoy Aquino International Terminal 3. -- Ibabalita, Studio 23, May 7, 2012