NoKor rocket launch fails

Posted at Apr 13 2012 09:33 PM | Updated as of Apr 14 2012 05:33 AM

Sumablay ang rocket launch ng North Korea kanina. Inamin mismo ito ng gobyerno ng North Korea. Ayon sa report, mahigit isang minuto pa lang matapos lumipad ang rocket, pumalya na ito at bumagsak sa may karagatan sa kanluran ng Korea.

Dito naman sa Pilipinas, agad inalis ng NDRRMC ang pagbabawal sa paglalayag, paglipad at pangingisda sa hilagang-silangang bahagi ng bansa. Nagpa-Patrol, Jing Castaneda. TV Patrol, Abril 13, 2012, Biyernes