Flights rerouted over N. Korea rocket launch

Posted at Apr 10 2012 04:37 AM | Updated as of Apr 10 2012 12:37 PM

Ipinasilip na ng North Korea sa international media ang rocket na maghahatid ng satellite sa kalawakan sa pagitan ng Abril 12 hanggang 16. Wala nang atrasan ang rocket launch sa kabila ng pagtutol ng international community. Pinangangambahang babagsak sa hilagang bahagi ng Pilipinas ang rocket booster at iba pang debris kaya mag-iiba ng ruta ang mga airline company para sa kaligtasan ng mga pasahero. Magba-Bandila si Jing Castañeda. Bandila, Abril 9, 2012, Lunes