Tiangco allies dare foes to expel him from office

Posted at Mar 14 2012 10:55 PM | Updated as of Mar 15 2012 06:55 AM

Nanindigan ang House minority group na pipigilan nila ang anumang hakbang ng mayorya na patalsikin sa Kongreso si Navotas Congressman Toby Tiangco dahil sa pagtestigo para sa defense team sa impeachment trial.

Hinamon ng oposisyon si House Majority Leader Neptali Gonzales II na maghain ng reklamo sa House ethics committee laban kay Tiangco.

“Let the Majority Floor Leader stand up and pick up the fight. We will be ready to face him and we will be ready to block him,” sabi ni Siquijor Rep. Orlando Fua.

“We are just waiting whether Congressman Boyet will be man enough to file that complaint in the ethics committee. Magkakasubukan dito eh between what is right and what they want,” sabi ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay.

“Naiinggit lang sila na popular si Toby ngayon,” sabi ni Isabela Rep. Rodolfo Albano.

Wala raw batayan ang paghahain ng reklamo dahil may kalayaan ang bawat miyembro ng Kongreso na ipahayag ang kanilang mga opinyon.

Kaya kampante ang minority na maraming susuporta kay Tiangco.

Hinikayat din ng oposisyon ang iba pang hindi pumirma sa impeachment complaint na lumabas din at magsalita.

Umiwas naman muna sa media interviews si Gonzales dahil kailangan daw muna niyang magpahinga at magpalamig sa isyu.

Inimbitahan na ng minorya sina Tiangco, Hermilando Mandanas at Boying Remulla na umanib sa kanilang grupo. Jing Castañeda, Patrol ng Pilipino