DTI, magbubukas ng 'Negosyo Centers'

Posted at Feb 10 2015 11:34 AM | Updated as of May 09 2017 01:14 PM

MANILA - Magbubukas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng mga negosyo center sa iba-ibang lungsod sa bansa para makatulong sa mga nais magtayo ng negosyo at maging sa mga negosyante.

Sa mga start-up business, ituturo nila kung paano magrehistro ng business name.

Meron ding counseling at training sa mga aspeto ng pagnenegosyo gaya ng accounting at pricing.

Sa mga manufacturer na may sariling produkto, tutulong sila para makakuha ng product certification na kailangan para maibenta ang produkto.

Bukas na ang ilang negosyo centers sa iba-ibang lungsod gaya ng Quezon City, Batangas, Cagayan de Oro at Iloilo.

Target ng DTI na makapagbukas ng isangdaang negosyo centers ngayong 2015.

--Umagang Kay Ganda, 10 February 2015