Furne One shares meeting with Katy Perry

Posted at Jun 28 2012 01:30 AM | Updated as of Jun 28 2012 04:52 PM

Sa murang edad, nakitaan na siya ng hilig sa pagdidisenyo. Unang ipinamalas ang kanyang talento sa Mega Young Designers Competition at dito nakamit niya ang pinakamataas na parangal. Noong 2002, nagbukas siya ng sarili niyang boutique sa Dubai at doon piniling manatili. Kinilala ang kanyang husay sa Europa nang mapili siya bilang special guest designer sa "Germany's Next Top Model." Dinamitan din sina Jennifer Lopez, Katy Perry, Heidi Klum at Nicki Minaj. Furne One! Bandila, Hunyo 27, 2012, Miyerkules