Patrollers send photos of places visited by Rizal

Posted at Jun 15 2011 10:07 PM | Updated as of Jun 16 2011 06:07 AM

Ipinadala ng ilang Bayan Patrollers mula sa ibang bansa ang mga larawan ng ilang lugar na napuntahan ng ating pambansang bayaning si Doctor Jose Rizal.

Sa Heidelberg, Germany, ipinakita ni Bayan Patroller Cristy Garcia ang bahay na tinirahan ni Jose Rizal nang bumisita roon noong Pebrero 1886.

Sa isang marker, nakaukit sa lengguwaheng Aleman na naging panauhin siya ng isang Lutheran Minister.

Dito rin sinasabing isinulat ni Jose Rizal ang mga huling pahina ng nobelang Noli Me Tangere.

Nagpakuha rin ng larawan ang Bayan Patroller sa kalye roon na ipinangalan kay Rizal.

Sa San Francisco, California naman ay ipinadala ng Bayan Patroller na si Pam ang palatandaan ng 2 araw na pananatili ni Rizal sa Palace Hotel noong 1888.

Sinasabing nilibot ni Rizal ang ilang siyudad sa Amerika bilang bahagi ng kanyang Trans-Pacific Voyage.