Marc Logan reports on 'basketball superheroes'

Posted at Jun 04 2012 09:47 PM | Updated as of Jun 05 2012 07:47 PM

Ang pangarap ng bawat bata na mapagsama-sama sila sa iisang pelikula, dinaan na lang muna sa agawang bola.

Starting five ng The Avengers: Wolverine, Captain America, Spiderman, Mighty Thor at Hulk ang sentro. Si Iron Man na naglaro din ay team owner ata.

Sa Justice League naman, ang starting five nila: The Flash, Superman, Robin, Batman, at maraming nagtaka dahil ang panglima, Marvel superhero kaya ito. Pero si The Thing, in-import nila at sumentro.

Para may ka-match daw si Hulk at Captain America, kulay itim na hango sa NBA 2K12 computer game kung saan halos tunay na tao na ang hitsura ng graphics nila.

Hindi alam kung original series o pinagtiyagaan lang ng isang fan na gumawa ng sariling design, humahataw ito ngayon sa YouTube with 200,000 views.

Nakakaaliw kaya back-to-back dunk, saan ka pa ng taong berde at taong bato?

At kahit kakapiraso, itong si Robin, tumi-three point shot at dumadakdak, may voiceover pa ng original announcer, at mga tunay na NBA players, mga miron lang sa tabi.

Last score sa putol na game, 49 Avengers, 46 Justice League. Marc Logan, Patrol ng Pilipino