Kusina ni Tita Winnie: Giniling in Repolyo Cups

Posted at May 11 2012 02:34 PM | Updated as of May 11 2012 10:34 PM

Ang recipe ngayon para sa "Kusina ni Tita Winnie" ay tinatawag na "Giniling in Repolyo Cups."

MGA SANGKAP:
- Giniling
- Bawang
- Sibuyas
- Carrots
- Singkamas
- Dahon ng sibuyas
- Mani
- Repolyo
- Asin, paminta, toyo, asukal
- Cornstarch (optional)
- Hoisin sauce (optional)

PARAAN NG PAGLULUTO:

1. Igisa ang giniling sa bawang at sibuyas.
2. Timplahan ng paminta at kaunting patis.
3. Sa isang bowl, magtunaw ng cornstarch, asukal at toyo sa tubig at itabi.
4. Ihalo sa giniling ang carrots at singkamas.
5. Ihalo ang tinunaw na sarsa.
6. Ilubog ang dahon ng repolyo sa mainit na tubig.
7. Ikorte ang dahon na parang cup at ilagay ang nilutong giniling.
8. Lagyan ng dinurog na mani sa ibabaw.

Umagang Kay Ganda, May 11, 2012