Mga bata sa shelter, sinorpresa ngayong Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2016 06:26 AM | Updated as of Jun 23 2017 12:01 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Ang Haven for Children ay isang shelter ng DSWD sa Muntinlupa kung saan mga batang lalaki na nalulong sa solvent o substance abuse ang kadalasan nilang nire-rescue. Mula noong January hanggang August 2016, nasa higit 11,000 na ang mga nailigtas ng DSWD, kasama na dito ang mga batang substance user, mentally challenged, at mga palaboy na walang tirahan. Ngayong magpa-Pasko, pinasyalan ng Bandila ang mga batang nailigtas ng Haven for Children mula sa kapahamakan. Bandila, December 23, 2016, Biyernes