Mag-amang nawalay sa isa't isa, nagkita na

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2017 11:03 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Bata pa lang si Vincent Manarang nang iwan ng kanyang tatay na si Celestino. Mula noon, nais na niyang makilala man lang ang kanyang ama.

Matapos ma-feature sa "Rated K" ang kanyang kakaibang wedding proposal sa kanyang kasintahan, nakakita ng pagkakataon si Vincent na manawagan sa kung sino man ang nakakakilala sa kanyang tatay.

Nitong Oktubre, sa tulong ng mga mensahe sa social media, nagkita ang mag-amang Manarang.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.