2 National Artist, nakalibing sa St. Clement Catholic Cemetery sa Angono

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2017 11:37 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Ipinagmamalaki ng bayan ng Angono sa Rizal ang dalawa nilang National Artist na parehong nakahimlay sa St. Clement Catholic Cemetery.

Ang pintor na si Carlos “Botong” Francisco at ang kompositor na si Lucio San Pedro ay kapwa binabantayan ng mga Senior Scouts ng bayan.

Ngayong Huwebes o Araw ng Kaluluwa pa lang nagdadagsaan ang mga tao sa mga sementeryo sa Angono.

Sabi naman ng mga nakatatanda, nakalaan ang Nobyembre 1 para sa bibisita sa mga sementeryo sa labas ng bayan habang ang Nobyembre 2 naman para sa paggunita sa kanilang yumaong mahal sa buhay na nakalibing sa Angono.

Inaasahan naman na dadagsa pa ang mas maraming tao hanggang mamayang gabi kung saan magkakaroon pa ng fireworks display. – Umagang kay Ganda, 2 November 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.