PANOORIN: Tren sa Japan, pusa ang mga pasahero

Reuters

Posted at Sep 10 2017 08:24 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Agaw-pansin ang isang tren sa Japan na bukod sa mga tao, may mga pusa ring pasahero.

Panay ngiyaw pa ang 30 muning habang nakikipaglaro sa mga pasahero ng isang bagon ng tren sa Gifu prefecture.

Tinipon ang mga pusa sa tren para isulong ang kaalaman tungkol sa kanilang lagay sa animal shelters o ang impound para sa mga hayop na walang nagmamay-ari.

Ayon sa organisasyon na nasa likod nitong pakulo sa tren, may animal shelters pa rin na nasa polisiya ang “culling” o ang pagpatay sa mga hayop na hindi naaampon.

Umaasa silang tuluyan nang matatanggal ang ganitong polisiya sa animal shelters.

Tinatayang nasa 9.8 milyon ang populasyon ng pusa sa Japan.

-- Ulat mula sa Reuters

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.