Mga kumikitang raket: Tagabunot ng buhok sa kili-kili, tagatiris ng kuto

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2017 10:43 PM | Updated as of Aug 29 2017 12:34 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Ipinakita ng ilang rumaraket ang kanilang pinagkukuhanan ng extra income.

Kasama rito ang ilang babaeng ang alok sa mga kapitbahay ay pagbubunot ng uban o puting buhok, patay na buhok, pati na buhok sa kili-kili.

Lahat ng 'yan para sa presyong abot-kaya.

Si Cheenie del Rosario, eksperto naman sa pagtanggal at pagtiris ng kuto ng customer.

"Kapag maraming kuto, siguro ikaw na lang susuko o 'yong nagpapakuto, doon lang kayo mahihinto," kuwento ni del Rosario.

Magandang raket din para sa ilan ang "mobile parlor" o mga beautician na nagbabahay-bahay.

Si 'Heart', ipinagmamalaki ang kaniyang husay sa pagkikilay gamit ang sinulid o iyong eyebrow threading.

"Kapag nagse-service kami, sarili na po namin 'yong kita. Unlike po kapag nasa parlor, porsyentuhan lang mapupunta [sa'min]," paliwanag ni Heart.

Isa pang swak na sideline ang pagbebenta ng ng mga napaglumaang damit.

Ganiyan ang raket ng isang 'ukay-ukay' na de pedicab at nag-iikot sa iba't ibang lugar para mailapit ang kalakal sa mga mamimili.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.