Matapat na 'parking boy', binigyan ng scholarship, ayuda para sa pamilya

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2017 12:12 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Naging viral ang kuwento ng 'parking boy' na si Andrey Macabuhay, matapos niyang isauli ang napulot na P7,000 sa parking lot ng isang kainan. Kuwento ng may-ari ng pera at nag-post na si Dindo Lorenzo, naantig ang puso niya nang malamang mas piniling ibigay ni Macabuhay sa ina ang maliit na pabuyang nakuha niya. Hinangaan din ng isang eskuwelahan ang katapatan ng bata na binigyan nila ng scholarship pati na rin ayuda para sa kaniyang pamilya. Alamin ang kuwento ng huwarang bata na nagpamalas ng kagandahang asal dito sa 'Panalo ‘To!' Nagpa-Patrol, Bernadette Sembrano. TV Patrol, Lunes, 28 Agosto 2017.