Magkaibigang sumama ang tiyan, sinisi ang 'unli seafood' ng isang restawran

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2017 10:19 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Naengganyo ang magkaibigang Joy Cua at Vichaelson Llave na subukan ang 'unli putahe' na alok sa Putok Batok Restaurant sa Antipolo nitong Huwebes, Hulyo 27.

Nag-'unli crab' si Llave sa halagang P399. Naka-tatlong alimango siya. Pero kung unli ang kain niya sa restawran, unli rin umano ang pagpunta niya sa banyo, kinagabihan. Dinala pa siya sa ospital, kung saan siya'y na-diagnose na na-food poison.

Ang kasama naman niyang si Cua, nag-'unli crab' at 'unli hipon.' Tulad ni Llave, sumama rin ang kanyang tiyan.

Nag-post pa sila ng kanilang karanasan sa Facebook page ng restaurant, pero inalis daw ito.

Saad naman ng opisyal na pahayag ng management ng Putok Batok Restaurant: "We would like to apologize to our customers if they have experienced such inconvenience after they dined in our restaurant. As we are serving hundreds of customers daily, we have overlooked their complaint. We would like to invite them for a proper discussion so that we can attend to them properly."

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.