Lola, na-‘love at first sight’ sa binatang mister

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2017 08:36 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Kahit sa panaginip, hindi nila naisip na sila’y pagtatagpuin ng kapalaran sa ngalan ng pag-ibig. Apatnapung taon lang naman ang tanda ni lola Lydia sa kaniyang napangasawang si Ferdinand. Aminado si lola na kahit medyo malabo na ang kaniyang paningin, naniniwala siyang na-‘love at first sight’ siya sa mister. Kinumusta ng Rated K ang magkabiyak na ikinasal nito lang Mayo.

Nagulat maging ang mga kaanak ng mag-asawa sa kanilang pag-iibigan. Katunayan, napukaw din ang atensiyon ng maraming netizens nang unang itampok ng ABS-CBN News ang naiibang pagmamahalan ng magkabiyak na apat na dekada ang pagitan ng edad.

Halos langgamin naman ang bagong-kasal dahil sa sobrang lambing sa isa’t isa habang nasa panayam ng Rated K. HHWI o Holding Hands While Ini-interview pa ang mag-asawa.

Abangan ang kabuuang kuwento ng kanilang pag-iibigan, mamaya sa Rated K.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.