Kuwelang covers at spoof ng TV Patrol theme music

ABS-CBN News

Posted at May 20 2017 12:13 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Ilang netizen Patrollers ang gumawa ng spoof at cover ng TV Patrol theme music, at ini-upload sa social media. 

Bukod sa mga dance covers, viral ang cover ng TV Patrol theme music ng Canadian rock artist at drummer Joey Muha. Sinagot naman ito ng acoustic cover ni Yongski Go.

Kinarir din ng mga estudyante sa broadcasting competition ang remix ng TV Patrol theme. 

Takbuhan din ang TV Patrol ng mga naaagrabyado, tulad ng ‘biktima ng kontaminadong kape’. 

Patok din sa mga bagets ang mga balita. Ang mga bata, laging nakatutok sa mga balita, subalit kapag bumitaw na sa balita sina Ted Failon, Bernadette Sembrano, at Kabayan Noli de Castro, 'nagwawala na rin ang bata'. 

Pagpupugay sa mga Kapamilyang ito bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng TV Patrol.

-- Ulat ni Marc Logan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.