Summer 2017: Victoria Claredita Falls sa Quirino

ABS-CBN News

Posted at May 03 2017 12:04 PM | Updated as of May 03 2017 12:58 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Masukal ang daan at tatawid pa ng batis para ang tagong-yaman ng Barangay Victoria: Ang Victoria Claredita Falls.

Ayon kay Manuel Tallawen, residente sa lugar, hango raw ang pangalan ng talon sa dalawang babaeng namatay sa lugar.

Pero sa kabila ng kuwento, dinarayo pa rin ito lalo na sa panahon ng tag-init.

Malamig at malinis ang tubig na galing sa bundok. May lugar ang falls na swak sa mga bata; meron din para sa mga adventure seeker at may batis sa gilid ng talon.

Isa ang lugar sa paboritong puntahan ng pamilya ni Adelaida Galema ng Santiago City.

“Maganda kasi, enjoy at exciting lalo 'yung pagakyat sa mga bato. 'Yung falls maganda talaga,” pahayag niya.

Ito rin ang pahayag ni Mary Jane Guillermo.

“Maganda siyang place para sa bonding ng family. Okay naman iyong daanan hindi gaanong mahirap at saka isa pa libre, nature pa siya,” sabi niya.

Bukas sa publiko sa Victoria Falls pero pakiusap lang ng mga residente na huwag magkalat ng basura para mapanatili ang kalinisan ng talon. -- Umagang Kay Ganda, 3 May 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.