KILALANIN: Magkasintahan, nagpakasal sa tuktok ng bundok

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2018 11:19 PM | Updated as of Apr 15 2018 11:32 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Kumalat sa social media ang mga larawan ng isang kakaibang kasalan sa tuktok ng isang bundok sa Iloilo.

Unang nagkakilala sina Richard Bandiez at Nena Mampula-Bandiez noong 2011. Bagama't hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan, nauwi pa rin sa kasalan ang kanilang relasyon.

Dahil kapwa mahilig umakyat ng bundok, nagdesisyon ang dalawa na magpakasal sa tuktok ng Mt. Napula sa Iloilo.

Dagdag pa ni Richard, naisip rin nila ito para mas makatipid sa kanilang kasal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.