Dating janitress, hukom na ngayon

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2018 11:03 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Judge Ave Alba para marating ang kanyang kasalukuyang kinatatayuan.

Pang-walo sa sampung magkakapatid si Ave. Dahil sa hirap ng buhay, iniwan sila ng kanyang ina sa kanyang lolo, kung saan siya natutong magbanat ng buto sa murang edad.

Nang mamatay ang ina, nagpalipat-lipat sa bahay ng kanyang mga guro si Ave, hanggang sa maging janitress siya para makapag-aral sa kolehiyo.

Ngayon, nagsisilbi si Ave bilang isang hukom sa Daraga, Albay. Hindi siya nakalimot sa mga gurong tumulong sa kanya, at madalas niyang dinadalaw ang mga ito para kumustahin at bisitahin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.