ALAMIN: Mga masasalihang workshop ng mga nakabakasyong estudyante

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2018 11:30 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Bakasyon ang panahon para sa ibang estudyante upang lumahok sa mga aktibidad na hahasa sa kanilang mga kakayahan sa palakasan o sining. Sa Valenzuela, isang youth organization ang nag-iikot sa mga barangay para turuan ang mga bata na magbasa at matuklasan ang galing sa sining. May libreng sports clinic naman ang lokal na pamahalaan ng Malolos, Bulacan. Nagpa-Patrol, Winnie Cordero. TV Patrol, Miyerkoles, 11 Abril 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.