PANOORIN: Gretchen Ho sa ibabaw ng lumilipad na eroplano

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2018 11:56 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sumabak sa naiibang adventure sa himpapawid ang Kapamilya host na si Gretchen Ho.

Sinubukan ni Ho ang wing walking o ang paggawa ng aerobatic stunts sa pakpak ng eroplano habang ito'y lumilipad.

Makapigil-hininga ang halos 10 minutong challenge ni Ho sa ere.

Si Ho ang kauna-unahang Pinay volunteer sa wing walking na itatampok din sa Hot Air Balloon Festival sa Clark, Pampanga.

Matutunghayan ang festival sa Pebrero 8-11.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.