Strong quake jolts Indonesia, triggers tsunami watch

Posted at Apr 11 2012 09:26 PM | Updated as of Apr 12 2012 05:26 AM

Isang malakas na lindol ang yumanig sa kanluran ng Sumatra, Indonesia kaninang 4:38 ng hapon.

Naitala ng United States Geological Service o USGS ang lindol sa lakas na magnitude 8.7.

Dahil dito, nag-isyu na ang Pacific Tsunami Warning Center sa posibleng pagtama ng tsunami sa kabuuan ng Indian Ocean.

Naramdaman ang pagyanig na ito hanggang sa Singapore, Thailand at India.

Matatandaang noong December 26, 2004, katatapos-tapos lang ng Pasko, ay niyanig din ng isang napakalakas na lindol ang Indonesia malapit sa sentro ng lindol kanina.

Magnitude 9 ang lakas ng 2004 quake na nagresulta rin sa malawakang tsunami sa Indian Ocean.

Sinalanta ng tsunami ang may 11 bansa sa Indian Ocean kabilang ang Thailand, India at maging Ethiopia sa Africa.

Humigit kumulang 150,000 tao ang tinatayang namatay dahil sa tsunami na iyon noong 2004 kaya itinuturing itong deadliest tsunami sa kasaysayan ng mundo.