ABS-CBN News

Fil-Am on track to become California's top jurist

Posted at | Updated as of 09/02/10 8:21 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Mahigit dalawang oras dininig ng State Commission on Judicial Appointments ang mga testimonyang halos lahat ay pabor sa nominasyon ni Justice Tani Cantil-Sakauye.

Hinirang ni Governor Arnold Schwarzenegger ang Filipino-American noong Hulyo para maging chief justice ng Korte Suprema ng California.

Anak ng mga magbubukid si Cantil-Sakauye, tubong Sacramento at naging blackjack dealer habang nag-aaral sa law school.

Nakapagtrabaho bilang prosecutor at nang lumaon ay naging hukom sa municipal at superior court.

Hinirang syang associate justice sa Court of Appeals noong 2005.

Matapos ang kanyang kompirmasyon, nagbunyi ang mga Pilipinong sumuporta sa kanya.

"It's an outstanding day for Filipino-Americans. It's a historical day. Proud to be a Filipino today. This is so significant in the legal profession," pahayag ni Eduardo Angeles, endorser ni Cantil-Sakauye.

Pangako ng bagong Chief Justice, makikinig siya sa lahat ng boses at titiyaking maaabot ng publiko ang mga korte.

"Either as a woman or as a Filipino or as a mother or as a 50-year-old woman in this society, that always influences how I see the facts, that always has an influence on how I interpret the facts and I understand the facts to be.  But in terms of the rule of law, I apply the rule of law based on precedence,” ani Cantil-Sakauye.

Kahit nakumpirma na kailangan pang ihalal ng mga botante ng California si Cantil-Sakauye sa Nobyembre bago siya makaupo sa Korte Suprema sa Enero para sa 12-taong termino.

Siya ang kauna-unahang Pilipino at Asyano na uupo bilang chief justice ng kataas-taasang hukuman sa pinakamataong estado sa America. – Ging Reyes, Patrol ng Pilipino, San Francisco