Saudi employer helping OFW in ordeal

Posted at Aug 25 2010 09:58 PM | Updated as of Aug 26 2010 05:58 AM

Madalas na balita ang masasaklap na karanasan ng mga overseas Filipino workers (OFWs). Ang iba nga, umuuwing bangkay na.

Pero iba ang kaso ng domestic helper na si Marilou Ramirez na naparalisa matapos madulas at mabagok.

Imbes na pabayaan, tinulungan siya ng kanyang among si Abdul Qader.

Nang maoperahan, ang amo rin ni Marilou ang sumagot ng kanyang mga gamot.

Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, sa first class pa ang biyahe kasama ang dalawang nurse.

Lahat, sagot ng amo niyang si Qader!

Isang taon pa lamang naninilbihan si Marilou sa pamilya ni Qader, pero dahil sa dedikasyon at kasipagan ay napamahal na rin daw siya sa kanyang mga amo.

Naniwala naman ang pamilya ni Marilou na malalampasan niya ang pagsubok.

Hanggang ngayon, lubos ang pasasalamat ng pamilya sa tulong ng pamilya Qader.

Sana raw, dumami pa ang gaya nilang may malasakit sa mga namamasukang Pinoy. – TJ Manotoc, Patrol ng Pilipino