Electrocuted OFW in Saudi seeks help

Posted at May 03 2012 10:17 PM | Updated as of May 04 2012 12:35 PM

Kumakalat na ngayon sa Internet ang video ng isang Pinoy na nakuryente habang nasa trabaho sa Jeddah, Saudi Arabia. Nananawagan ng tulong ang Pinoy na si Alfredo Salmos para mabigyan siya ng exit visa at makauwi na sa Pilipinas. Walang trabaho ngayon si Salmos at umaasa na lang sa tulong ng mga kapwa Pinoy sa Saudi. Hirap din siya sa pagkilos lalo't halos nagdikit na ang kanyang nasunog na balat. TV Patrol, Mayo 3, 2012, Huwebes