PANOORIN: Libo-libong lumad, lumikas dahil sa patayan

Posted at Sep 23 2015 11:07 PM | Updated as of Sep 24 2015 07:07 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Libo-libong lumad, o katutubong Pilipino sa Mindanao, ang lumikas mula sa mga komunidad nila dahil sa takot nang makita nila mismo ang karumal-dumal na pagpatay ng tatlo nilang pinuno. Pati mga human rights group at ang publiko, nagulat nang kumalat ang balita. Pinuntahan ng ABS-CBN ang sitiong pinangyarihan ng krimen. Ito ang unang bahagi ng investigative report ni Chiara Zambrano. TV Patrol, Miyerkules, Setyembre 23, 2015