Some stars to celebrate New Year in Boracay

Posted at Dec 30 2010 10:48 PM | Updated as of Dec 31 2010 10:25 AM

Ngayong holiday season,  may ilang artista na piniling mag-celebrate ng Bagong Taon sa isla ng Boracay gaya ng  controversial couple na sina  Dra. Vicky Belo at Hayden Kho na magkasama sa beach.

Nakuhanan din ng kamera ang Showtime host na si Anne Curtis kasama ang non-showbiz boyfriend na si Erwan Heussaff at kapatid nitong celebrity na si Solenn Heussaff.

Sa Twitter post ni Solenn, makikitang kasama nila sa Boracay ang Glee star na si Mark Salling na enjoy sa kanyang bakasyon.

Una nang pinost ni Mark ang litrato niya sa Boracay kasama si People's Champ Manny Pacquiao.