Juday, Ryan dress up as Santa to surprise kids

Posted at Dec 22 2011 11:14 PM | Updated as of Dec 23 2011 11:25 AM

Kasama ang delegasyon ng United Nations World Food Program, dumating na sa Cagayan de Oro ang aktres na si KC Concepcion.

Walang pagod silang namahagi ng pagkain, tubig at iba pang mga pangangailangan sa mga binagyo.

Hindi na bago kay KC ang mapadpad sa Mindanao, lalo't krusada niya bilang UN ambassador ang labanan ang gutom.

Sa gitna ng relief operations, kinumpirma ni KC, Kapamilya pa rin siya.

Kahapon lang, pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN si KC.

“Siyempre nandito pa din ako. I’m very happy na I’m with ABS,” sabi ni KC.

Inialay din sa mga binagyo ang napanalunang P500,000 prize ng Kapamilya stars sa "Susi ng Kapalaran” ng “Happy Yipee Yehey” kanina.

Maagang pamasko nila ito sa mga malubhang naapektuhan ng bagyong Sendong.

Hindi naman akalain ng mga bata sa Old Balara, Quezon City, sikat na celebrity couple ang kanila Santa ngayong Pasko: walang iba kundi mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Time out nga muna sa pagpro-promote ng pelikulang "My Househusband” ang mag-asawa para mamahagi ng aginaldo.

“First time namin ni Ryan mag-costume. Hindi man ganu'n kalaki, alam mong ‘yung simpleng kendi, malaking bagay naman na ‘yun dahil ‘yun ang gusto ng mga bata,” sabi ni Judy Ann.

Sa kabila nga ng pagsubok sa mga Pinoy, ang pagtibay ng diwa ng pagbibigayan.