Apl De Ap to spend Christmas in RP

Posted at Dec 18 2010 12:02 AM | Updated as of Dec 18 2010 12:42 PM

Bilang pamasko sa mga kababayang Pinoy, may serye ng charity performance si Apl De Ap sa Manila, Cebu at Pampanga, ang "Party Light, Party Right, Club Tour 2010."

Ito’y para sa foundation ng mga batang-lansangan. Miss na miss na ng singer ang Paskong Pinoy.

“It's just the feeling of Christmas here in the Philippines. It's different compared to other countries. It's so festive, just the family getting together to celebrate,” ani Apl.

Kinilala naman ang 25 indie filmmakers at binigyang pugay sa unang Inquirer Indie Tribute.

Kabilang diyan ang mga batikang direktor na umani ng mga parangal sa International Film Festival.

“Sana makarating sa mga kinauukulan ang mga ginagawa naming mga filmmakers. Sana hindi kami patuloy na mag-struggle habang buhay. Sana bigyan pansin ng gobyerno [at] maging parte sa pagsulong ng bansa,” ani Brillante Mendoza.
   
“Pangarap ko sana dumating ang panahon na tayo, the general public, ang mga Pilipino ay manood ng mga indie films na parang commercial films na magbabayad tayo ng tama para makanood ng indie films,” sabi ni Tessie Tomas.

Buo naman ang suporta ng pamunuan ng MTRCB ni Grace Poe-Llamanzares sa indie films.

“Ma-expect naman niyo sa MTRCB, kung magkakaroon ng malawak na pananaw ang ating mga board members, hindi naman magiging problema ang pagpapalabas ng indie films,” ani Llamanzares.

Umaasa ang indie filmmakers na lalawak pa ang pagtangkilik sa kanilang obra sa sariling bansa. Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino