Pinoy designers featured on 'America's Next Top Model'

Posted at Dec 16 2011 11:04 PM | Updated as of Dec 17 2011 07:04 AM

Isang Fil-Am transvestite, ito ang role na ginampanan ng isa sa finalist ng “America's Next Top Model” na si Ms. Isis King sa pelikulang "Hello Forever."

Dito mismo sa Pilipinas kinunan ang ilang eksena.

“I play Romy. I’m half-Filipino. So I go back to the Philippines, I’ve never been there before, and basically at 16, Romy has to survive,” sabi ni King.

Kung naging sikat si Ms. King, gumawa rin ng ingay sa “America's Next Top Model” ang Pinoy designers na sina Michael Cinco, Oliver Tolentino at Ben Chan.

At ang naging susi para sa big Hollywood break na ito, ang Pinoy producer ng reality show na si Michael Carandang na balik-Pilipinas ngayon.

“Pasasalamat ko din sa Top Model kasi they allowed me to pitch and they approved Filipino talent,” sabi ni Carandang.

Kahit 19 na taon na sa Amerika, naaalala ni Carandang ang kanyang pinanggalingan.

“Kung anu-ano ang trabaho ko dito. Sa ABS-CBN nag-OJT ako sa ‘Magandang Tanghali Bayan.’ When I got back, my first paying job was sa ‘Jerry Springer Show’,” sabi ni Carandang.

Ayon kay Carandang, hindi matatawaran ang talento nina Tolentino at Cinco, mga unang Pinoy na na-feature sa finale collection.

“If you look at the final runway designers sa Top Model, si Versace, Roberto Cavalli, Anna Sui, Vivian Westwood. Mga big-time ang runway designers namin and now you add Michael Cinco to that list," sabi ni Carandang.

Pagbubunyag ni Carandang, may iba pang Pinoy designers ang magpapakitang gilas sa show.