Niña Corpuz tagged as 'hottest newswoman'

Posted at Dec 05 2011 10:36 PM | Updated as of Dec 06 2011 10:49 PM

Hindi lang sa pagbabalita angat ang husay ng mga “TV Patrol” reporters at anchors. Angat din kasi ang kanilang on-cam beauty.

Kung noong isang taon ay topnotcher si Pinky Webb, ngayong 2011 ay 5 sa “Top 10 Hottest Newswomen for 2011” ang mula sa ABS-CBN base sa listahan ng Spot.ph.

Pasok sa top 10 si Chiara Zambrano.

Hinangaan ang pagiging adventurous ni Chiara na walang takot sumabak sa mapangahas na coverage.

Top 8 naman ang Star Patroller na si Gretchen Fullido.

Malimit nga diumanong mapagkamalang celebrity si Gretchen sa kanyang ganda at husay sa pananamit.

Pero bukod sa pretty face, nakita ang versatility ni Gretchen na bukod sa pagiging showbiz reporter ay mahusay ding weather anchor at sportscaster.

Naging hot news naman si Ginger Conejero nang mapukaw niya ang pansin ng Pop Superstar na si Justin Timberlake na nagsabing "I want to marry her."

Stand out talaga sa coverages si Ginger na dating Miss Philippines Air noong 2006.

Ano mang panahon, mapabagyo o gulo sa Mindanao, inspirasyon sa marami ang “Umagang Kay Ganda” at “Salamat Dok” anchor na si Bernadette Sembrano.

Matapang ding hinarap ng veteran news anchor ang kanyang laban sa sakit na Bell's palsy na matagumpay niyang nalampasan.

Hottest newswoman naman sa 2011 ang “TV Patrol” reporter na si Niña Corpuz.

Kahit sa kanyang sweet at pretty face, lumabas ang matapang niyang paglalahad ng balita.

Isa rin si Niña sa dalawang napili mula sa 800 nag-apply para sa kurso sa International Broadcast Journalist sa Cardiff University sa Wales.

Napanalunan din ni Niña ang 2010 Media for Labor Rights Prize na iginawad ng sangay ng United Nations. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino