[CMSAbstractTransformation.DataBind]: Object reference not set to an instance of an object.

KC-Piolo break-up sends social media abuzz

Posted at Nov 29 2011 08:59 PM | Updated as of Nov 30 2011 11:27 PM

Laman ng pahayagan, blogs at social networking sites ang iba’t-ibang reaksyon sa hiwalayang KC Concepcion at Piolo Pascual.

May mga nagulat, nalungkot o hindi makapaniwala na nagwakas na ang fairy tale love story sa showbiz.

May naguluhan sa dahilan ng break-up.

“May mga hinahanap ako na napaka-basic lang na hinahanap ng isang babae sa isang boyfriend,” sabi ni KC.

Pero hindi na ito pinatulan ni Piolo, humingi ang aktor ng pang-unawa.

“Hindi rin madali ‘yung maraming nakaabang, naghihintay at nakikialam,” sabi ni Piolo.

Kanina sa poll question sa “Umagang Kay Ganda,” aktibo ring nakilahok ang fans.

Marami ang nagsabing hindi dapat magbalikan ang dalawa.

Pero bukod sa fans, apektado rin ang kasamahan sa showbiz ng dalawa.

Kasama nina Piolo at KC sa Star Magic show sina K. Brosas at Enchong Dee.

Kwento ni K., pilit niyang pinapatawa si KC at hinandugan pa niya ng kanta.

Nasa Japan pa rin si KC na matapang na hinaharap ang heartbreak.