Apl.de.ap excited to spend Christmas in PH

Posted at Nov 24 2011 10:31 PM | Updated as of Nov 25 2011 06:31 AM

Sa bonggang Hollywood launching ng kanilang dance game, ang "Black Eyed Peas Experience," nagkuwento si Fergie ng kanilang ginawa para sa video kung saan featured ang kanilang mga popular na kanta at dance moves.

"For everything, from the wardrobe, to the song choices, to us putting on black cat suits--I mean the guys, too, very tight, ladies--with little dots all over us to pick up our moves and really to capture what we do freestyle when we perform, so they really included that in the freestyle section. It's amazing. It's amazing how the faces look, and the characteristics," sabi ni Fergie.

Mahilig maglaro ng video games si apl kaya masayang-masaya siya na mayroon na silang dance game ngayon.

Inanyayahan din niya ang mga kababayan na subukan ang "Black Eyed Peas Experience.”

Aniya, "Karaoke-slash-video game, so two could be performing and dancing and it's just a great game for the family to have and to share for the holidays."

Bagama't abala sa kanyang career, ayon kay apl, hindi raw niya kalilimutang umuwi sa Pilipinas ngayong Pasko, lalo't may mga kababayan na naghihintay ng kanyang tulong.

Sabi niya, "Parols, ‘yung mga kalamay, and simbang gabi, and just being with my family, waking up at 4 in the morning to get ready for church."

Proud na proud naman ang mga kababayang nakakaalam sa kabutihan ni apl, at inspirasyon din siya ng mga Pinoy sa Hollywood. Yong Chavez, Patrol ng Pilipino, Hollywood, California