ABS-CBN News

Lee Min Ho to arrive in Manila

Posted at | Updated as of 11/16/12 2:32 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Darating ngayong Huwebes dito sa bansa ang Korean superstar na si Lee Min Ho.

Sumikat sa Pinoy fans si Lee Min Ho nang gumanap bilang Jun Pyo sa Korean TV series na “Boys Over Flowers” at sa action-packed na "City Hunter."

Nakatakda namang ipalabas ng ABS-CBN ang bago niyang TV series na "Faith."

Mamamalagi si Lee Min Ho ng apat na araw sa Pilipinas at mapapanood ang one-on-one exclusive interview sa kanya sa Linggo sa "The Buzz." – Bandila, Nobyembre 14, 2012, Miyerkules