PNoy and Liz Uy secretly engaged?

Posted at Nov 11 2010 11:39 PM | Updated as of Nov 12 2010 09:07 AM

Charming, positibong pananaw sa buhay at magaan kausap -- ito si Liz Uy sa mata ng mga taong malalapit sa kanya.

Graduate ng Hotel and Restaurant Management sa De La Salle College of St. Benilde. Mailap man, hindi nakawala sa spotlight si Liz, na naging long-time girlfriend ni John Lloyd Cruz, ngayon bilang stylist na nauugnay kay Pangulong Noynoy Aquino.

Ilang source na ang umano'y nakakita na sa 2 na magkasamang lumalabas pero walang kumpirmasyon mula sa magkabilang kampo.

“Wala, I’d rather not comment na lang. Thank you. I’m very private,” ani Uy.

Ngayon bumandera naman sa mga pahayagan at ipinasang mga text messages ang balitang magpapakasal na sina Liz at PNoy.

Ayon sa mga artikulo, nakatakda sa October 11, 2011 ang wedding of the year. Ito rin ang petsa ng kasal ng magulang ni PNoy na sina dating Pangulong Cory at Senador Ninoy Aquino.

Ayon sa Communications Secretary ng Palasyo na si Secretary Ricky Carandang, wala siyang alam sa napapabalitang kasal at hindi raw siya nakikialam sa personal na buhay ng Pangulo.

Nang hingan ng reaksyon ng ABS-CBN News si Liz Uy sa isyu ng engagement, ipinaabot ni Liz sa kanyang Twitter account na natawa siya sa mga kwentong nakarating sa kanya. Hindi raw dapat laging naniniwala agad sa nababasang balita. 

Matatandaang panay ang panunukso ng Presidential sister na si Kris Aquino kay Liz. Ayon kay Kris walang masama kung lumalabas man ang kanyang kuya at Liz dahil pareho silang single. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino