Regine Velasquez gives birth to a baby boy

Posted at Nov 09 2011 10:26 PM | Updated as of Nov 10 2011 06:26 AM

Kulitan at panay tuksuhan. Ramdam pa rin nga ang chemistry ng mag-ex na sina Robin Padilla at Vina Morales kahit 19 na taon na mula nang huli silang magkasama sa pelikulang “Miss na Miss Kita.”

Balik-tambalan ang dalawa para sa “Maalaala Mo Kaya” episode sa Sabado.

Sabi ni Robin, “Parte lang naman ng drama ‘yung iyak. Marami sa drama ‘yung yakapan.”

Pagkakataon na rin ni Vina Morales na maglabas ng saloobin sa umano’y hiwalayan ng kapatid niyang si Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz.

Aniya, “Nasabihan na rin ako ng kapatid ko, at sinusuportahan ko siya. Naniniwala ako sa kanya at mahal na mahal ko siya.”

Isinilang naman kagabi ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang baby boy nila ni Ogie Alcasid.

Bandang 8 p.m. nang isilang si Nathaniel James na 4.4 pounds ang timbang.

Ayon kay Ogie, hindi pa sana nakatakdang manganak si Regine, pero dahil mababa ang amniotic fluid niya at mataas ang sugar level ay na-cesarean section na siya.

Kahit pagod sa biyahe mula sa show sa Canada ay diretso agad sa shooting si Gerald Anderson para sa pelikula nila ni Sarah Geronimo na "I Won't Last a Day Without You."

Samantala, ayaw naman paapekto nina Gerald at Sarah sa magkasunod na blockbuster hits na “No Other Woman” at “Praybeyt Benjamin.”

Ani Gerald, “Either malagpasan o hindi, ang importante na magustuhan ng mga tao ‘yung pelikula at matapos po namin nang maayos.”

Matatandaang pumalo umano ng higit P120 million ang unang Sarah-Gerald team-up sa “Catch Me I’m in Love.”

Tiyak daw na mas kikiligin ang fans sa “I Won’t Last a Day Without You” na palabas na sa November 23.