What's Dolphy's early Christmas treat?

Posted at Nov 08 2010 10:55 PM | Updated as of Nov 09 2010 09:17 AM

Ang Maringal na Kwintas o Grand Collar of the Order of the Golden Heart Presidential Award ay tinuturing na isang hakbang na lang sa National Artist award  na matagal nang isinusulong ng ilang pulitiko at artista para sa Comedy King.

Binabawi naman ni Dolphy ang kanyang lakas matapos ma-ospital ng dalawang beses kamakailan.

"Pneumonia ang dumapo sa akin eh... may asthma kasi ako.. OK pa rin, still around, punching. Madalas nga pinatay na nila ako eh. 'Wag kayong mag-apura, darating din tayo doon," ani Dolphy.

Sa kanyang pagbalik sa ABS-CBN kahapon para sa launch ng una niyang recording album, ipinakita muli ni Dolphy ang kanyang brilyo kasama ang anak nila ni Zsa Zsa Padilla na si Zia.

Tinatapos din niya ngayon ang kanyang Metro Manila Film Fest entry kung saan gumanap siyang paring "Jejemon".

"Tangkilikin n'yo naman ang pelikula ko at ang album ko. Parang awa n'yo na. Haha," biro ni Dolphy.

Sabay din ito sa natatanging pagbigay-pugay ni Dolphy sa pagbabalik nina Noli de Castro at Korina Sanchez sa TV Patrol.  Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino