'Hindi ako makahinga': Toni, nakaranas ng kakaibang bangungot

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2017 11:57 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Ibinahagi ng TV host at Kapamilya star na si Toni Gonzaga ang kanyang di malilimutan at nakakatakot na bangungot experience noong siya ay dalaga pa.

Malinaw pa sa kuwento ni Toni ang mga detalye ng kanyang masamang panaginip.

"Dati kasi sa old room ko, akala ko totoo hindi ko alam na dream lang pala siya. Isang gabi nagising ako na parang may dark cloud na dark figure na nasa ibabaw ko tapos dinadaganan niya ako," sabi ni Toni.

Kuwento ni Toni kahit na nanaginip pilit pa rin na nilabanan niya ang bangungot.

"Hindi ako makahinga talaga noon tapos pag sinasabi ko yung ‘In Jesus Name’, hinahawakan niya 'yung lips ko," dagdag niya.

Aminado si Toni na labis na takot ang kanyang naramdaman sa pangyayari kung kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito malimutan.

"As in sobrang linaw sa memory ko 'yun. Ang ginawa ko, pinilit ko na bumagsak sa kama tapos pinipilit ko lumabas sa kwarto at pinipilit ko masabi na ‘In Jesus Name’. Tapos nung masabi ko 'yun at makalabas ako ng kwarto ko nagising na ako na parang pagod na pagod ako. 'Yun pala panaginip lang pala 'yun," kuwento ng aktres.

Hindi na naulit ang kanyang masamang panaginip. Dasal at taimtim na panalangin pa rin daw ang kanyang sandigan tuwing siya ay ginagambala ng mga masasamang elemento sa kanyang paligid. - Umagang kay Ganda, 2 November 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.