Liz Uy denies relationship with PNoy

Posted at Oct 28 2010 10:42 PM | Updated as of Oct 29 2010 09:56 AM

Mula nang dumating sa red carpet ng Philippine Fashion Week, halata ang pag-iwas ng presidential stylist na si Liz Uy sa aming kamera.

Isa si Liz sa mga babaeng nauugnay kay Pangulong Noynoy Aquino.

Ito’y sa gitna ng mainit na isyu ng umano’y hiwalayan nila ni Valenzuela Councilor Shalani Soledad.

Naiugnay si Liz dahil sa close working relationship niya bilang presidential stylist. Hindi rin maikakailang close siya sa kapatid ng Presidente na si Kris. 

Umingay pa ang isyu nang ma-ispatan sina PNoy at Liz na magkasamang nagbe-breakfast sa Astoria Hotel sa Ortigas.

May mga nakakita rin daw na magkasamang kumain ang 2 sa basement restaurant ng isang mall noong October 17.

Nang tanungin si Liz  tungkol dito, aniya “Wala, I’d rather not comment na lang. Thank you.”

Kahit ang estado ng kaniyang puso, iwas pusoy ang dalaga.

“Manonood na tayo ng show. Manonood na ako ng show,” ani Uy.

Mula nang makilala ng publiko bilang girlfriend noon ng Box Office King na si John Lloyd Cruz at kahit malapit sa mga kilalang personalidad, hindi nagbago si Liz sa kagustuhang manahimik sa pribado niyang relasyon.

“Very private ako, bakit ako ang ini-interview mo?” pabirong tanong ni Uy.

Habang nasa ASEAN Summit sa Vietnam, naging mailap din si PNoy sa isyu ng patuloy niyang pagkakaugnay sa stylist niyang si Liz. Hiniling niya na gawing pribado ang kanyang lovelife. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino