‘No Other Woman’ breaks box office records

Posted at Oct 12 2011 11:10 PM | Updated as of Oct 13 2011 07:10 AM

“Panahon na para i-pack up mo na ‘yang Lucy Torres mo. Ilabas mo na diyan si Gretchen Barretto. Anak, ako na ang bahala sa red stiletto mo."

Binagyo pero bumasag pa rin ng record ang "No Other Woman" bilang highest grossing Filipino film of all time.

Base sa box office returns, tinatayang aabot na sa P220 milyon ang kinita ng "No Other Woman" sa 3rd week ng pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Nilampasan na ng pelikula nina Derek Ramsay, Anne Curtis at Cristine Reyes ang top grossing film nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na "You Changed my Life" na kumita ng P209 milyon noong 2009.

Kaya sa social networking sites, trending ang pelikula.

Ayon sa direktor ng UP Film Institute na si Ed Lejano, maraming Pinoy ang nakaka-relate sa isyu ng extra-marital affairs o pakikiapid.

Aniya, “It’s witty, it’s sexy, it’s melodrama. You know all the ingredients are there.”

Para naman kay Anne, swak ito sa panlasa ng mga iba’t ibang klase ng tao.

“’Yung mga nanonood, walang specific market. Ang dami, parang lahat—magkakapamilya, magkakabarkada, all girls, all boys, mag-boyfriend, mag-asawa—lahat nanood. So, parang nakakatuwa na ‘I know the market ‘coz I am the market.’ Nakakatuwa kasi ‘yung market is everyone talaga,” aniya.

Nagpapasalamat si Anne sa mga tumangkilik sa pelikula, at sa ilan na umulit pa sa panonood.