UN wants Kris as ambassadress of goodwill

Posted at Oct 10 2011 11:24 PM | Updated as of Jan 19 2017 05:24 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Inimbitahan bilang ambassadress of goodwill ng United Nations High Commission for Refugees o UNHCR ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Inanunsyo ito kanina sa Palasyo ni Presidential Adviser for Political Affairs na si Ronald Llamas.

Ayon kay Llamas, inalok si Kris na maging ambassadress dahil alam diumano ng UNHCR na minsan na ring naging mga political refugees ang pamilyang Aquino noong panahon ng diktaduryang Marcos.