Shaina speaks on John Lloyd's 'boring' remark

Posted at Oct 06 2011 11:04 PM | Updated as of Jan 25 2017 12:44 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Formal, casual o sexy underwear.

Walang takot na sumabak sa pictorial ang miyembro ng Philippine Volcanoes Rugby team na si Kenneth Stern.

Ipinagmamalaki ng atleta ang kanyang healthy at fit na katawan na dala ng intense training.

Matatandaang umani noon ng kontrobersya ng binaklas na sexy billboard campaign ng Volcanoes.

Pero hindi ito naging hadlang para tanggihan daw ni Kenneth ang sexy pictorial.

“Ever since that came out, people have really noticed rugby. People learned about rugby just because of these billboards,” sabi ni Kenneth.

Pero hanggang pictorial na lang daw muna si Kenneth na hindi handang pasukin ang showbiz.

Pero umamin siya sa kanyang showbiz crushes.

“Anne Curtis, on the buses and on the billboards, she's very, very beautiful. KC Concepcion, I saw her on “The Buzz,” sabi niya.

Napatawa naman si Shaina Magdayao sa bagong kontrobersya sa relasyon nila ni John Lloyd Cruz.

Kaugnay ito sa pahayag ni John Lloyd na boring na ang relasyon nila ni Shaina.

Ito ang nagpalakas ng espekulasyon na nagkakalabuan na sila ng boyfriend.

“Talaga naman wala kaming bagong maiikwento sa inyo, boring talaga. Marami kamig bago sa career, sa personal wala,” sabi ni Shaina.

Ayon kay Shaina, wala namang bagong intriga sa kanilang relasyon.

Pinili rin nilang huwag magsama sa anumang proyekto.

Isa sa mga bagong proyekto ni Shaina ang “Doha”, isang teleserye tungkol sa buhay ng mga OFWs.

Kukunan mismo sa Doha, Qatar ang mga eksena sa serye na ipalalabas sa susunod na taon. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino