PANOORIN: 'KaladKaren', nakibalita kay Jolina 'Sanchez'

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2017 02:59 PM | Updated as of Sep 24 2017 05:51 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Tampok ang impersonator na si "KaladKaren" sa "ASAP" nitong Linggo, Setyembre 24.

Sinamahan ni KaladKaren si Jolina Magdangal sa segment niyang "LSS," tampok ang mga kuwento tungkol sa pagkalimot sa dating pag-ibig.

Mala-news program ang eksena ng dalawa. Si Jolina ang nagsilbing anchor habang correspondent sa audience area naman si KaladKaren.

Naging viral sa social media si KaladKaren dahil sa pagiging impersonator o panggagaya niya sa news anchor na si Karen Davila.

Noong Biyernes, Setyembre 22, nagkaharap sa isang panayam si KaladKaren at Karen Davila sa programang "Pasada Sais Trenta" ng DZMM.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.