Dating 'X Factor PH' contestant, bagong 'Tawag' champ

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2017 03:31 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Ang pambato mula sa Parañaque na si Anton Antenorcruz ang bagong kampeon ng "Tawag ng Tanghalan" sa "It's Showtime."

Nitong Martes, nagawang maagaw ni Anton ang ginintuang mikropono laban sa one-day defending champion na si Renato Llemit sa pag-awit niya ng "Sana Maulit Muli" na pinasikat ni Gary Valenciano.

Maliban sa standing ovation, binigyan ng mga hurado si Antenorcruz ng mataas na iskor na 96.8%, kontra sa 95% na nakuha naman ni Renato para sa pag-awit niya ng "One in a Million."

Isang flight attendant si Anton pero nais niyang muling buhayin ang kanyang pag-ibig sa musika na iniwan niya dahil sa trabaho.

Una nang sumali sa "X Factor Philippines" si Anton noong 2012 kung saan naging mentor niya si Martin Nievera.

It's Showtime, Setyembre 19, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.