Resbaker mula sa Bukidnon, bagong 'Tawag' champ

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2017 04:06 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Si Ato Arman mula sa Bukidnon ang pinakabagong kampeon ng "Tawag ng Tanghalan" sa "It's Showtime."

Nitong Huwebes, nagawang maagaw ni Ato ang ginintuang mikropono laban sa 4-time defending champion na si Kyla Faye Pille sa pag-awit niya ng "Said I Love You... But I Lied."

Nakakuha si Ato ng iskor na 95.2% mula sa mg hurado na mas mataas sa iskor na 94% na nakuha ni Kyla na umawit naman ng "Don't Rain On My Parade."

Nobyembre noong nakaraang taon ay nanalo bilang daily winner si Ato sa "Tawag ng Tanghalan" pero hindi pinalad na maging defending champion.
 
It's Showtime, Setyembre 14, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.