Moira dela Torre, maglalabas ng 2 bagong kanta

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2017 12:19 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Dalawang bagong single ang ilalabas ng singer na si Moira dela Torre.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles inanunsyo ni Moira na malapit nang ilabas ang kanyang bagong album na "Malaya" para sa Star Music pero mauuna munang ilabas ang kanyang dalawang awitin.

"Actually dalawang single po ang lalabas and it's the bookends of album. So nagsulat po ako ng album na based sa isang theme, so it's by chapter. We are releasing the first song and the last song," ani Moira.
 
Dating "The Voice of the Philippines" contestant si Moira na napiling umawit ng official theme song ng pelikulang "Love You to the Stars and Back" na "Torete."

Umagang Kay Ganda, Setyembre 13, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.