Kontesera ng Negros Occidental, nanatiling 'Tawag' champ

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2017 05:12 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Si Kyla Faye Pille mula sa Negros Occidental ang nanatiling kampeon ng "Tawag ng Tanghalan" sa "It's Showtime."

Nitong Martes, nagawang madepensahan ni Kyla ang ginintuang mikropono laban sa daily challenger na si Marlo Joshua Brua sa pag-awit niya ng "Panata."

Nakakuha si Kyla ng iskor na 93.8% mula sa mga hurado, laban sa iskor na 88.8% na nakuha naman ni Marlo na umawit ng "Ngayo'y Naririto." Ito na ang kanyang ikatatlong sunod na panalo. 
 
Isang kontesera si Kyla at pangarap niya maging sikat na mang-aawit para sa kanyang pamilya.

It's Showtime, Setyembre 12, 2017